Tune into the emotions that transcend language in the lyrics of ‘Pahina’ sung by Cup of Joe from the album ‘Silakbo’ produced by Jovel Rivera. ‘Di na makausad, ‘di malinawan ‘Di na mabura ang iyong mga larawan…
Pahina Lyrics
[Verse 1]
‘Di na makausad, ‘di malinawan
‘Di na mabura ang iyong mga larawan
‘Di alam kung sa’n tutungo ang mga hakbang patalikod, naghihingalo
Ang lapis na ginamit sa kuwento nating naudlot
[Pre-Chorus]
Bawat buklat ng aklat, binabalikan
Mga liham na ang laman ligayang dala
Ikaw lang ang may akda
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana’y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong panghahawakan ang ‘yong mga salitang
Hindi na nakikita sa tingin ng ‘yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[Verse 2]
Ating katotohana’y
Naging isang nobelang
Winakasan ng pagdududang
‘Di na nalabanan
Nais na maramdaman muli
Kung pa’no isulat ang pangalan mo
Ngunit bawat letra’y mahirap nang iguhit
Dahil binubuo nila ang ‘yong mga pangako
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana’y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
[Bridge]
Simula sa wakas na ‘di matuklasan
Pabalik kung saan ‘di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong ‘di na sana naisulat pa
Simula sa wakas na ‘di matuklasan
Pabalik kung saan ‘di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong ‘di na sana naisulat pa
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana’y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong panghahawakan ang ‘yong mga salitang
Hindi na nakikita sa tingin ng ‘yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Pwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[Outro]
(Simula sa wakas na ‘di matuklasan)
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
(Pabalik kung saan ‘di na natagpuan)
(Ang mga matang nakatanaw sa umpisa)
Sigaw ay sigaw ay
(Ng yugtong ‘di na sana naisulat pa)
VIDEO