Tungo sa Pangarap Lyrics

Tungo sa Pangarap Lyrics Song by DJ Belialba.Dati, sarili’y ‘di mahanap.Dati ang sabi ko’y mahirap.Ngunit ako’y ‘di naubusan ng pag-asa

Tungo sa Pangarap Lyrics

Dati, sarili’y ‘di mahanap
Dati ang sabi ko’y mahirap
Ngunit ako’y ‘di naubusan ng pag-asa
‘Di ako tumigil maniwala
Pagod ay ‘di ko alintana
Kaya narating ko ang minimithing pangarap
Gintong araw at bughaw ang siyang nag-alalay
Ang Diyos sa puso ko ang Siyang naging gabay
Guro at magulang ko’y naging sandigan
Kaya bawat hakbang ko ay tagumpay
Ito ang araw na hinihintay
Ang awiting ‘to’y inaalay
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap
Ito ang araw na hinihintay
Bawat luhang may pagpupugay
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap
Bunga ng aking pagsisikap
Ningning ng bukas sa ‘king palad
Dahil ako’y ‘di naubusan ng pag-asa
‘Di ako tumigil maniwala
Pagod ay ‘di ko alintana
Kaya narating ko ang minimithing pangarap
Gintong araw at bughaw ang siyang nag-alalay
Ang Diyos sa puso ko ang Siyang naging gabay
Guro at magulang ko’y naging sandigan
Kaya bawat hakbang ko ay tagumpay
Ito ang araw na hinihintay
Ang awiting ‘to’y inaalay
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap
Ito ang araw na hinihintay
Bawat luhang may pagpupugay
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap
Sa lakbaying tungo sa aking pangarap

video