Tune into the emotions that transcend language in the lyrics of ‘Silakbo’ sung by Cup of Joe from the album ‘Silakbo’ produced by Jovel Rivera. Magpapalunod ba sa dilim…
Silakbo Lyrics
[Verse 1]
Magpapalunod ba sa dilim
O titingin sa mga bituin?
Tutulugan ang gabi o ito’y aangkinin?
Ipapabukas ko na lang ba ulit?
Siya na lang bang magdidikta
Ng aking pulso at paghinga?
‘Di alam ang gagawin, gulo ba’y haharapin
Tatakbo o dapat bang tiisin?
[Pre-Chorus]
Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
‘Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng ‘yong mata
[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘Pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[Verse 2]
Naaarawan na ang sakit
Umagang tila nanlalambing
Ako’y babangon na muli nang hindi nakapikit
Tumatamis na ang lahat ng pait
[Pre-Chorus]
Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
‘Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng iyong mata
[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘Pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[Post-Chorus]
Oh-oh
Oh-oh
‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘Pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[Bridge]
Mga silid sa bahay ng ating damdamin
‘Di na muling papatinag sa dilim
Lalakasan ang himig ng mga salamin
Palayain mga sigaw sa dingding
[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘Pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[Post-Chorus]
Oh-oh
Oh-oh
‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘Pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
VIDEO