home English Song Ibong Adarna Flow G Lyrics

Ibong Adarna Flow G Lyrics

Share This Post

Ibong Adarna Flow G Lyrics. Main song words are Hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘to lahat ‘Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari at naganap kaya maging ako’y gulat na gulat.

Ibong Adarna Flow G Lyrics

Mahal kamusta?
Masarap ba gising mo buti nakatulog ka
Ako eto simula nung nangyari lahat ‘to ay binabangungot na
Ligaw na ligaw ‘di alam kung sa’n pupunta
Halos malunod na
Dahil sa pagkalugmok may halong lungkot
Kaya laging nagluluksa
Nabugbog pa kahit utak ko lang ang
Kalaban ako ay nadurog kahit na sa tinik ako ay natusok
Ay naging tahimik hindi na rin para humugot
May luhang tutulo
Tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog
Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot
Pero ‘wag mag-aalala
Kahit papa’no ay nakakahinga
Hindi nakatlong ‘yung kasabihan
Kapag napagod ay kailangan lang magpahinga
Ilang gabi na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi pa rin magmakaawa
Kahit kawawa aping-api na
Ikaw kamusta ka d’yan
Sana hindi mo ‘to mapakinggan
Kase ayaw ko sabihin mo sa
Sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
Sumakay ako sa alon mo kase
Akala ko pareho tayo gustong magkapitan
Eh ‘di sana hindi sana nagkainteres sa interes
Eto bunga ng kapital

Hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari at naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan natin dalawa ay magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang
Ligaya, ‘yun ang ‘di ko kaya

Buti ka pa parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap matulog at
Sana’y ‘di na gumising pa
Gusto ko ng medisina
Para hindi na makadama nasakit sa tuwina pampamanhid
Bibilin ko agad kung meron man nagtitinda
‘Di ko na pinilit alamin ‘yung totoo
Kase iniisip ko baka mas lalong gumulo
‘Yung sabay natin binuo
Nawala rin kaagad kase puno ng ala-ala madugo
Pagkamag-isa nakaupo madalas nakayuko
Kasabay ng luhang matuyo
‘Pag may kaharap ng ibang tao
Naku po magpapangggap na buo
Kailangan masaya ako palagi kahit ‘di na katulad ng dati
Para ‘di nila isipin na nahihiripan
Ako sa lahat ng nangyayari
Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod
Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga
Imbis na hinog
Mahirap magpanggap na ayos lang
Kaso kailangan sa ganitong kaganapan
Ay dapat agapan makita ang iyong kahinaan
Para hindi kaawaan o pagtawanan
Mahirap pa lang maranasan masaktan
Sa kamay ng kapiling pakisamahan

Hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari at naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan natin dalawa ay magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang
Ligaya, ‘yun ang ‘di ko kaya

Sana ako’y tulad ng iba
Kaya kang iwanan d’yan ng mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano’n
Tinulungan ka makalipad
Para sa’yo ay nakahanda ay ako gawin ang lahat
Wala na sa’kin natira baliwala pa
Pakinggan niyo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna
Bakit gano’n ang panahon
Ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo
Pero sabi mo ay kinahon
Ang dating tayo na palaging masaya at
Nagsasama ng matiwasay
Init ng apoy na namamatay
Panggatong ako na lamang ang naglalagay
Ano ba sa iyong palagay
Inakay na kita makadaan sa landas na madilim
‘Di naman ako ‘yung tipong na lalaki
Iiwanan ka na lamang kase natapos na kitang pitasin
Napakahirap abutin
‘Di mo ba napansin, dinidiligan ko ang iyong hardin
Inaabangan na dumating
Bakit madalas ka na yata inabutan ng dilim
O bakit parang lumalalim ang sugat
Ayaw kong tignan kahit laging nakamulat
Alam ko na siyang nilalaman ng sulat
Mabigat pero ‘di na magugulat
Hinihintay kita makauwi
Lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat ‘di ko masukat
Pilitin ko mang ikubli
Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale
‘Di ko inakala ‘to grabe
Sa ulo ko ay may tae

Hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari at naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan natin dalawa ay magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang
Ligaya, ‘yun ang ‘di ko kaya

Hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari at naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan natin dalawa ay magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang
Ligaya, ‘yun ang ‘di ko kaya

You Want Me I Want You Baby Lyrics


Share This Post