home English Song Baka Di Tayo Lyrics

Baka Di Tayo Lyrics

Share This Post

Baka Di Tayo Lyrics By Yayoi Yosso And Lopau. Main song words are Baka di lang talaga tayong dalawa At mas mabuting palayain na kita Ayoko nang maging lunas o maging pamunas Ng mga luha sa mga mata.

Baka Di Tayo Lyrics

Teka Muna
Pwedeng pakinggan mo muna
Wag mo muna ‘ko na sabayan
Kase lalo lang lalabo ang paliwanagan

Pa’no pa sisimulan kung matatapos na
Masisisi mo ba kung napapagod na
Kahit na mahal kita hindi sapat na dahilan
Na manatili pa sa tabi mo

Kaya ko namang ilaban ka pa
Alam mo na iningatan kita
Kaso lang may hinahanap ka pa
Nagkulang pa rin
Kahit lahat ay ginawa ko na
Sarili muna ang uunahin ko
Patawad kung kailangan ko na lumayo sa piling mo

Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko

Alam kong di kana masaya sakin
Ano pang magagawa ko
Tanggapin ko na lamang ang lahat
Kung yan ang kakatuwa mo
Buburahin ko na lamang ang
Dati nating mga plano
Na binubuo mo ngayon
Kasama ang ibang tao
Masakit sakin pero kelangan
Tiisin ang lahat
Sige panalo ka na wag mo na
Kung batuhipa ng mga sumbat
Pagod na kong iangat pa
Yung sarili ko sayo
Di mo na ko dapat baguhin kung
Ako talaga yung gusto mo
Basta ako ginawa ko ang lahat
Di mo man nadama
Kahit kapalit nito’y pagpatak
Ng luha ko sa mata
Bawat tingin ko sayo ay
Nakatitig ka sa kanya
Ngayon alam ko ng malabo
Na nga ‘tong maisalba

Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napapagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko

Pinipilit ko naman na
Maging maayos ang lahat
Ngunit parang hindi pa din
Sapat ang aking mga nagawa
Kaya tama na
Hindi ko na kaya pa
Hindi ko na kaya pa
Hindi ko na kaya pa
Hirap lang tiisin
Alam kong wala ng pagtingin
At nawala na ang paglalambing
Kaya relasyon hirap ng sagipin
Hindi na makakaya malabo na
Dahil hindi na masaya
Di na matawag na akin ka
Kaya palaging mag iingat ka

Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko

Baka di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo
(Napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili

Me And Your Girlfriend Playing Dress Up At My House Lyrics


Share This Post