home Song Anong Masarap Na Kape Lyrics

Anong Masarap Na Kape Lyrics

Share This Post

Anong Masarap Na Kape Lyrics. Masarap magkape. Ang sarap-sarap, ang sarap-sarap talaga magkape. Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape. Sarap-sarap. Ang sarap-sarap mag-kape Tatlong laga na instant coffee. (Ang sarap mag-kape) Hindi ako makahinga, magsuntukan na tayo.

Anong Masarap Na Kape Lyrics

Ito, hindi mo ‘to alam. Pero noong araw, ipinagbabawal ng mga hari magkape. Sabi ng hari, “Pupugutan ko ng ulo ang lahat ng mahuli kong humihigop ng kape, para naman, paboritong inumin ito ng mga pilosopo, ng mga magikero, ng mga makata.” Akala ng hari, tumatalino sila dahil sa kape. Pero hindi ko alam, hindi ko alam eh, basta alam ko masarap magkape

Ito, hindi mo rin ‘to alam. Pero noong araw, pinagbabawal din ang alak. Marami nang nakulong dahil sa pag-inom ng alak. Marami nang (?) nagbebenta sila ng alak. Marami nang nagpapatayan dahil sa alak. Pero tingnan mo naman ngayon, ang mundo nalulunod sa alak. Marami nang buhay nasira sa alak, pero sa kape wala pang nasira. Pero hindi ko alam, basta alam ko masarap magkape

Ang sarap talaga magkape, pare ko. Habang sinusulat ko ‘to, uminom na ako ng sampung tasang kape. Hindi ko alam. Hindi sa Starbucks dahil wala akong pera, dito lang sa bahay, kapeng barako lang kaya ng bulsa ko. Sampung baso. Ang sarap talaga, nalulunod na ang ulo ko ngayon malawak ang pananaw ko sa buhay. Ngayon, hindi na ako natatakot mamatay, ang sarap magkape

Ngayon, puro kape na ang laman ng ugat ko. Ang tali-talino ko na, pwede na ako mag-champion sa Game Ka Na Ba? Ang tali-talino ko, ang lakas-lakas ko. Mamaya, magsuntukan tayo. Mamaya, magsuntukan tayo. Ngayon, wala nang pagkain sa mesa. Wala nang kape sa mesa. Ubos na rin ang sigarilyo. Hindi na ako makahinga. Ubos na ang sigarilyo. Hindi ako makahinga. Magsuntukan na tayo. Ubos na ang sigarilyo. Hindi ako makahinga. Hindi ako makahinga. Ubos na ang sigarilyo. Magsuntukan na tayo. Hindi ako makahinga

Masarap magkape. Ang sarap-sarap, ang sarap-sarap talaga magkape. Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape. Sarap-sarap. Ang sarap-sarap mag-kape. Tatlong laga na instant coffee. (Ang sarap mag-kape) Hindi ako makahinga, magsuntukan na tayo. Hindi ako makahinga, magsuntukan na tayo. Mamaya, magsuntukan tayo. Mamaya, magsuntukan tayo. Mamaya, magsuntukan tayo. Hindi ako makahinga, mamaya magsuntukan na tayo. Magsuntukan na tayo, hindi ako makahinga. Magsuntukan na tayo, fade out na ‘to. Fade out na ‘to

You Say The Oceans Rising Like I Give A Shot Lyrics


Share This Post